DAGUPAN CITY, Pangasinan - Kabilang muli ang Pangasinan sa most business-friendly LGUs ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa ilalim ng pamumuno ni Governor Amado Espino III.

Ang PCCI ay ang pinakamalaking business organization sa bansa kung saan taun-taon ay pumipili ng most business-friendly LGU.

Kabilang ang Pangasinan sa 14 na finalist ng programa.

Layunin ng programa na matugunan ang pandemya ng COVID-19 at pagbawi ng ekonomiya sa bayan at lungsod sa Pangasinan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinilip ng PCCI ang pre-recorded video na nagpapakita ng iba't ibang programa sa ilalim ng "Abig" Pangasinan. Nagbigay naman ng makatuwirang sagot ang ilan sa pinuno ng departamento ng lalawigan sa mga hukom ng prestihiyosong business chamber.

Gaganapin sa Nobyembre 18 ang awarding ceremonies sa 47th Philippine Business Conference & Expo sa PCCI Innovation Center sa Pasay City.

Kabilang sa mga finalist ay ang Negros Occidental, Palawan, Tarlac, Rizal, Laguna, Davao del Norte, La Union, Cavite, Bulacan, Camarines Sur, Bohol, Aklan, at Bataan.

Ahikam Pasion