Hinikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko nitong Sabado, Oktubre 9, na maghanda nang maaga sa paghagupit ng tropical storm "Maring” at tropical depression “Nando” na maaaring magsama habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nagpulong ang NDDRMC kung saan sinabi ng ilang eksperto mula Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaaring magsanib-puwersa ang dalawang bagyo sa loob ng 36 hours kung saan maghahatid ito ng malalakas na pag-ulan at hangin.

“Pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat, mag-antabay sa ulat panahon, at sumunod sa mga payo ng mga awtoridad ngayong posibleng magsanib sa loob ng 36 oras ang Tropical Storm ‘Maring’ at Tropical Depression ‘Nando,’” pahayag ng NDRRMC.

Sa pagpupulong, pinaalalahan ni Jalad ang mga apektadong lugar na maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na madalas ang mga nabanggit na insidente.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Huling namataan si Maring sa layong 860 kilometers Silangan ng Juban Sorsogon nitong alas 8 ng umaga habang kumikilos ito nasa 15 km per hour. Mayroon itong lakas na 85 km per hour at bugsong aabot sa 105 km per hour.

Samantala, namataan si Nando sa layong 670 km sa Casiguran, Aurora habang kumikilos sa bilis na 45 km per hour at bugsong nasa 55 km per hour.

Inaasahang magdadala ang mga ito ng bahagya hanggang malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Dinagat Islands, at mahihina hanggang bahagyang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region at sa mga natitirang bahagi ng Visayas at Caraga sa susunod na 24 oras.

Mararanasan din ang mahihina hanggang bahagyang malalakas na pag-ulan sa Palawan at Occidental Mindoro dala ng southwerterlies na pinalakas ni Maring.

Naglabas ng guidelines at protocols ang NDRRMC sa mga apektadong rehiyon upang masigurong maipapaabot ang mga babala at makapaghahanda na ang mga residente at ang awtoridad para sa posibleng evacuation.

“Patuloy ang pagantabay at koordinasyon ng NDRRMC sa mga katuwang sa rehiyong apektado ng mga bagyo,” pagpupunto ng NDRRMC.

Martin Sadongdong