Kinilala bilang kauna-unahang Filipino Nobel Peace Prize awardee ang mamamahayag at chief executive officer (CEO) ng online media Rappler na si Maria Ressa nitong Biyernes, Oktubre 8.

Kahati ni Ressa si Dmitry Muratov ng Russia bilang Nobel Peace Prize awardee ngayong taon na parehong kinilala ang kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng malayang pamamayahag sa Pilipinas at sa bansang Russia kung saan naitatag ang independent newspaper ni Muratov na Novaja Gazeta.

Ngunit ano at gaano kalaking halaga nga ba ang maiiuwi ng awardees sa pagkilalang ito?

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Larawan mula Nobel Prize via Facebook

Ayon sa artikulong “How Much Is the Nobel Prize Worth?” sa website na “ThoughtCo,” tatanggapin ng mga napiling awardee ang diploma, medalya at cash prize na kadalasa’y pinaghahatian ng dalawa hanggang tatlong awardees.

Dagdag ng artikulo, aabot sa 8 million SEK (Swedish Krona) o nasa US$1.1 million o P55M ang cash award ng Nobel Prize. Ibig sabihin, nasa P27.5 million ang indibidwal na halagang matatanggap nina Ressa at Murotov.

Samantala, tinatayang nasa kalahating-milyon piso naman ang halaga ng Nobel Prize medal.

“The exact weight of a Nobel medal varies, but each medal is 18 karats green gold plated with 24 karats (pure) gold, with an average weight of around 175 grams. Back in2012, 175 grams of gold was worth $9,975. The modern Nobel Prize medal is worth in excess of $10,000!” ayon sa artikulo.

Taong 2015 nang umabot sa $765,000 o nasa P38, 250, 000 ang in-auction na Nobel Prize medal ni Nobel laureate Leon Max Lederman. Nilaan ng pamilya ni Lederman ang nakuhang halaga para magbigay-tulong sa mga siyentistang lumalaban sa sakit na dementia.

Ang Nobel Prize ay nagmula sa huling will and testament ni Alfred Nobel noong Nobyembre 1895 kung saan nakasaad doon na ibabahagi ang kanyang mga maiiwang kayaman sa larangan ng physics, chemistry, physiology o medisina, literatura at mga naging bahagi sa pagtaguyod ng kapayapaan.

Si Alfred Nobel ay isang Sweden chemist, engineer, philanthropist, imbentor at negosyante.