Magpapakawalana ng tubig ang MagatDam sa Ramon, Isabela bilang paghahanda sa inaasahang malakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Maring at Nando.

Sa abiso ngNational Irrigation Administration (NIA), bahagyang bubuksan ang dam upang paapawin ang nakaimbak na tubig sa Linggo, dakong 3:00 ng hapon.

“Reservoir elevation needs to be lowered in anticipation of the expected heavy inflow due to typhoon Maring and typhoon Nando,” ang bahagi ng abiso ng NIA.

Sa pahayag naman ng PAGASA nitong Sabado, nasa 188.32 pa lamang ang water level ng Magat Dam o kulang pa ng limang metro para sa spill level nito.

Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

Idinahilan ng PAGASA, malawak umano ang catchment ng nabanggit na dam, gayunman, maliit lamang ang reservoir nito na madaling mapuno kapag nagkaroon ng malakas na ulan.

Ellalyn De Vera-Ruiz