Ipinagtanggol ni Mariel Rodriguez-Padilla, misis ni senatorial candidate Robin Padilla, ang kaniyang mister laban sa mga bashers na tumutuligsa rito kaugnay ng desisyong tumakbo sa senado.

Naghain na ng kaniyang COC si Robin nitong Oktubre 7 kasama ang kaniyang kapatid na si Rommel Padilla, na tatakbo naman bilang representative sa Nueva Ecija.

Ayon sa Facebook post ni Mariel, "Robin is not hungry for money or power. He is at a point in his life wherein he just wants to make a difference. Put action to all his complaints. Speak for the Muslims. Behind you, beside you and with you all the way @robinhoodpadilla."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of 4 people, people standing, indoor and text that says 'LOCA ECTIONS p'
Robin Padilla (Larawan mula sa FB/Mariel Rodriguez)

Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay humingi ng palagay si Robin sa publiko kung 'pelikula o politika' ba ang papasukin niya.

Sabi ng batikang showbiz columnist na si Ogie Diaz, kung siya raw ang tatanungin, huwag na lamang daw tumakbo ang aktor dahil maaari namang tumulong sa mga tao kahit walang posisyon.

Ngunit mukhang nakapagnilay na nga si Robin at ang napili niya ay politika---bilang kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng PDP-Laban.