Sabi nga, 'may pera sa basura' basta't magiging malikhain at matiyaga lamang sa pag-iisip kung paano muling mapapakinabangan ang mga patapong kalat.

Kagaya na lamang sa itinampok ng isang babae sa Thailand na si Tharinee Kedsopa sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 9, kung saan namangha siya sa isang lalaking gumagawa at nagbebenta ng kakaibang bag na yari sa lata ng softdrinks.

“The bag is very cute. It’s very strong. It can be used for long straps. It can be adjusted to the length. If you don’t like the strap, you can change it yourself. There are two sizes. My friend and I bought both styles," aniya na salin mula sa wikang Thai. Tinutulungan din niya umano ang lalaki para mai-promote nito ang mga likhang bags na talaga namang kamangha-mangha.

Ang mga bags na ito ay nagkakahalaga lamang mula 60-100 Thai Baht o katumbas ng ₱96 hanggang ₱160.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Ayon umano sa mga parukyanong nakabili na, matibay naman at adjustable pa ang straps nito.

Nakatulong na nga raw sa kalikasan, kumita pa ang naturang tindero!