May panawagan ang dating ABS-CBN news anchor at ngayon ay DZRH radio journalist Anthony 'Ka Tunying' Taberna sa publiko, lalo na sa usaping politikal.

"Walastik na pulitika ito- sa kulay pa lang, halos magpatayan na ang mga tao. Hindi naman kasi natin puwedeng iwasan dahil sabi nga, 'politics is one of the most favorite pastimes of Filipinos'. Puwede ba, kahit magkaiba tayo ng kulay, mag-usap pa rin tayo nang may respeto? Di ko alam kung kaya ko pero pipilitin ko. Lalo na sa mga magkakaibigan. Bati pa rin tayo ha?" ani Ka Tunying sa kaniyang Instagram post.

Larawan mula sa IG/Anthony Taberna

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, kahit na magkakaiba ng opinyon at saloobin ang mga tao, dapat umano ay maging makatao naman sa isa't isa.

"Hindi ako mas magaling, mas malinis, mas matuwid at mas matino kaysa sa 'yo. Pero kung ganun ang tingin mo sa sarili mo- na ikaw na!!! - rerespetuhin ko pa rin. Magpalitan tayo ng opinyon na hindi nawawala ang pagiging tao at makatao. Hindi tayo mga animal! Happy weekend po! Wuhooo!!! #pink #red #blue #dilaw #puti #berde #bahaghari."