“It is a sad day. We lost a very good man today.”

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra kasunod ng ni pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon nitong Sabado, Oktubre 9.

“The CHR Chief was a well-respected person. His loss will inspire us even more to collaborate with the CHR to promote and protect human rights in our country,” ani Guevarra.

Inanunsyo ng CHR ang pagpanaw ni Gascon sa komplikasyon ng COVID-19 infection.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Chair Chito will be deeply missed. We ask for prayers for the eternal repose of his soul,” sabi ng CHR sa isang pahayag.

Masugid na tagapagbantay ang CHR sa mga kaso ng extrajudicial killings, paglabag sa karapatang pantao at mga nasawing buhay sa illegal drug operation.

Sa ilang pagkakataon, naglulunsad ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR kaugnay ng human rights violations sa bansa.

Rey Panaligan