Nasa kabuuang 1,363,300 doses ng Moderna vaccines laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang naihatid sa bansa nitong hapon ng Sabado, Oktubre 9--ika-11 batch na naihatid sa loob ng siyam na araw.
Nasaksihan ni Sec. Carlito Galvez Jr., vaccine czar and chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, ang paglapag ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, alas 4 ng hapon lulan ng China Airlines flight C1 703.
Ang bakuna ay nabili ng national government at pribadong sektor na kinakatawan ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) sa pamamagitan ng trilateral agreement.
Sa nasabing suplay, 885,700 doses ang mapupunta sa gobyermo habang 477,600 doses naman ang nakalaan para sa pribadong sektor.
“This is a remarkable development in the vaccine supply in the country. As we call it, this is now our harvest time. For the past days, the country has been receiving 1.5 million doses of vaccine on a daily average,” sabi ni Galvez.
Nasa higit 14.25 million doses ng bakuna ang naihatid sa bansa sa pagpasok ng Oktubre, ayon kay Galvez.
Malaking improvement ito kumpara sa mga sitwasyon nitong nakaraang buwan na umaasa lang ang Pilipinas sa donasyon ng ilang estado at organisasyon para masuplayan ng bakuna ang mga Pilipino.
Nagpahayag naman si US Embassy Deputy Councilor for Economic Affairs Zeenat Syedkasunod ng pagdating ng bakunang gawa sa Amerika.
“The United States is very proud that US vaccines are supporting the [Philippine] government’s vaccination effort and that they are helping vaccinate millions of Philippine citizens against COVID-19,”sabi ni Syed.
Umaasa si Galvez na mas maraming tao pa ang tatanggap ng bakuna upang maabot ang target na 77 million eligible population sa katapusan ng bansa at kalauna’y magbukas ang ekonomiya.
“With the steady arrival of these vaccines, we call on our local leaders including our regional directors, offices and IATF [Inter-Agency Task Force] to set aside political differences and focus on our efforts to inoculate as many people as possible,” sabi ni Galvez.
“Our collective mission here is for us to open and recover our economy and safely exit to the pandemic. I’m calling everyone to take the jab the soonest possible time,” dagdag niya.
Nasa 85,575,600 doses ng bakuna na ang natatanggap ng bansa mula Pebrero ngayong taon.
Nasa 48,925,516 doses na ang naiturok mula nitong Huwebes kung saan higit 26 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng kanilang unang dose habang 22.8 milyon naman ang full vaccinated na.
Martin Sadongdong