Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng ng mahigit 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 habang umabot naman sa mahigit 22,000 ang mga pasyenteng gumaling na sa sakit ang naitala sa bansa nitong Sabado.

Batay sa case bulletin #574 na inisyu ng DOH, nabatid na nakapagtala pa sila ng 11,010 bagong COVID-19 cases, sanhi upang umabot na ngayon sa 2,654,450 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 9, 2021.

Sa naturang kabuuang bilang, 106,558 o 4.0% ng total cases pa ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 76.3% ang mild cases, 13.9% ang asymptomatic, 5.64% ang moderate, 2.9% ang severe at 1.2% ang kritikal.

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Samantala, mayroon ring 22,529 mga pasyente ang naitalang gumaling na mula sa virus sanhi upang umakyat na sa 2,508,387 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.5% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 273 mga pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 39,505 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.49% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon rin namang 54 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 39 recoveries.

Mayroon rin namang 162 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on October 7, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.6% of samples tested and 0.2% of positive individuals,” anang DOH. 

Mary Ann Santiago