Sa kabila ng nakikitang downward trend ng mga kaso coronavirus disease (COVID-19), apat na rehiyon sa bansa pa rin ang nananatiling nasa kategoryang “high risk” sa COVOD-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga “high risk” regions for COVID-19 ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley (Region II), Zamboanga Peninsula (Region IX), at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan-Region IV-B), ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Mayroon pa rin po tayong mga lugar na pina-flag natin na mataas pa rin ang case classification, nasa high risk pa rin po sila at saka positive pa rin ang two-week growth rate nila,”sabi ni Vergeire nitong Sabado, Oktubre 9.

“As to the total bed and ICU utilization, high risk pa rin po talaga ang CAR, Region II, Region IX and Caraga,” dagdag ng tagapagsalita.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Samantala, kalakhan ng rehiyon sa bansa ay nagpakita ng “negative two-week gowth rate” sa mga kaso.

Patuloy na pinalalakas ang mga ospital sa bansa habang nananatiling mataas ang kaso ng mga na-admit na pasyente.

“Kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na while the cases are going down, ang hospital po talaga nahuhuli sa pag-decongest, because these individuals na nasa hospitals specifically sa ICU, mas matagal po sila naglalagi sa ospital, it can be 21 days or more. Kaya mas mabagal po nating mapagdi-decongest ang ating mga ospital,” sabi ni Vergeire.

“Tuloy pa rin po ang ating strengthened response sa ating mga communities, para maputol po ang transmission at mas kakaunti na lang po ang mapunta sa mga ospital,” dagdag niya.

Sitwasyon sa NCR

Ayon sa opisyal, patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Samantala, binabantayan ng Interagency Task Force (IATF)ang sitwasyon sa Metro Manila kaugnay ng maaring pagbaba ng kasalukuyang alert level sa rehiyon.

“Sana po, tayo po lahat ay nagho-hope that by Christmas time, magkakaroon po tayo ng mas maluwag na classification and restriction ng ating mga kababayan,” sabi ni Vergeire.

Analou de Vera