Kasabay ng pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) chairperson Chito Gascon dahil coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Sabado, nagpalit naman ang CHR ng profile picture ng kanilang Facebook at Twitter account.
Pinalitan ng itim ang profile picture ng naturang independent National Human Rights institution bilang pakikidalamhati sa pagkamatay ni Gascon.
Sa Twitter, pinapurihan naman ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen si Gascon.