Sa darating na Nobyembre o Disyembre, tuturukan na ang mga health workers ng booster shot para mabigyan ang mga ito ng karagdagang proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paglilinaw ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. chief implementer of the National Task Force Against Covid-19, ang pagbibigay ng booster shots ay sisimulan sa oras na ang 50% ng populasyon ng bansa ay nabakunahan na.
“We will have the boosters once we have the threshold of 50 percent vaccination. We’re pushing for this year kasi (because) we don’t want to take the risk na magkaroon ng (of) waning vaccination and later magkaroon ng casualties and fatalities once we have another wave of variants,” ayon kay Galvez.
“By November 15 or maybe December, we will start sa health care workers kasi gusto namin i-boost talaga ‘yan because we want to protect our health care system ,” dagdag na pahayag nito.