Pansamantalang natigil ang operasyon ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Sabado dahil sa mga lobong nakapulupot sa linya ng kuryente nito sa area ng Sta. Mesa sa Maynila, nitong Sabado.

Kaagad na inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagpapairal ng ‘Code Red’ sa linya ng LRT-2dahil sa naturang insidente.

“The Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2 system is currently implementing a CODE RED/temporary Stop Operations due to an entangled balloon in-between Pureza Station and V. Mapa Station,” anunsyo pa ng LRTA sa kanilang Twitter account.

“Intervention is on-going. We apologize for the inconveniences,” anito pa.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Matapos naman ang halos kalahating oras ay inalis na rin ng LRTA ang Code Alert Status o temporary stop operations at ipinagpatuloy ang biyahe ng mga tren.

Mary Ann Santiago