Napipinto na namang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng ₱1.40 hanggang ₱1.50 ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang ₱1.30-₱1.40 ang marahil na idadagdag naman sa presyo ng gasolina.

Inaasahang ipatupad ang dagdag-presyo sa produktog petrolyo sa Martes, Oktubre 12.

Ito ay bunsod na rin ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Bella Gamotea