Tatlong indibidwal ang na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos anurin ang kanilang sinasakyang motorboat patungo sana sa Cavite.

Pumalya ang makina ng motorbike dahil sa malakas na hangin at malalaking alon na sanhi ng tropical depression “Lannie.”

Larawan mula Philippine Coast Guard (PCG)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nailigtas ng PCG nitong Biyernes sina Joey Lescano, 38; Jessabel Semella, 29; and Jhon Larence Reyes, 16, mula sa sinasakyang motorboat sa layong five nautical miles west of Capones Island, bahagi ng Zambales.

Nitong Oktubre 3 pa inanod ng malakas na tubig ang nasabing motorboat matapos magmula sa Mariveles, Bataan para ihatid ang kanilang mga kamag-anak. Pauwi na sana sila sa Novoleta, Cavite nang mangyari ang insidente.

Tinapos ng rescue ang limang araw na search and rescue operations na pinangunahan ng PCG.