Nawala na parang bula ang 100k ng couple na sila VJ Antaran at Hazel Santos.

Sa Facebook post ni VJ Antaran, ikinuwento nito ang biglaang pagkawala ng kanilang pera na aabot sa 100k sa kanilang joint account.

"Ipon namin ito para sa pinaghahandaan naming kasal pero nawala na parang bula. Hindi lang pera ang nawala, kundi pati ang pangarap at future namin!" malungkot na pagbabahagi ni Antaran.

Ayon sa kanya, ngayon taon sana nila ipagdiriwang ang kanilang 10th year anniversary sabay sa kanilang kasal.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pagbabahagi niya, Hunyo 12, noong sinagot siya ng kanyang kasintahan sa proposal nitong magpakasal kaya naman sa itinakda nila ang kanilang kasal sa darating na Disyembre.

Samantala, Agosto 2, nang magdesisyon sila na magbukas ng isang joint account upang sana ay mas "safe" ang kanilang pera.

Dagdag pa nito, matapos ng isang buwan ay nag-leak diumano ang kanilang bank details sa ibang tao at "na-hack" diumano ang kanilang bank account.

"Nagtext ang bank system generated kay Hazel na may gustong mag access na new device sa online banking namin. Nagtaka kami dahil si Hazel lang naman ang nakakaalam ng username at password nya sa mobile banking namin. Kahit ako hindi ko alam dahil hindi ako gumagamit nito, hindi naman kasi ako "techie". Hindi namin ito pinansin dahil confident kami na "safe" ang aming bank details at pera sa aming banko," ani Antaran.

"September 22, 2021, habang nasa work sa office si Hazel, may tumawag sa kanya from our bank customer service. Sabi ng csr sa kanya, may gusto nga daw mag access na ibang device/tao sa online banking namin. Napaisip sya na baka yung tinutukoy ng csr ay yung about sa nag text sa kanya noong Sept 18," dagdag pa ni Antaran.

Wala rin sila diumano clinick na links or email para mag-lead sa phishing.

"Sinabi ng csr na para ma-verify ang aming account ay mag ti-text ang aming bank system generated at i-reply daw ang "add device". Dahil nga tiwala si Hazel na taga banco namin ang kanyang kausap, nag reply sya ng "add device". After ng kanilang usapan, nag email kay Hazel ang banco namin. Nabawasan ang aming account ng 100k php!" ani Antaran.

Setyembre 22, pumunta sila sa bangko na kung saan ay in-open nila ang kanilang account. Tumawag rin sila sa bank hotline upang mag-report ngunit tatlong beses pa silang pinabalik-balik sa branch bago sila bigyan ng Dispute Form o letter.

Ayon sa bank manager, matagal raw ang resulta ng kanilang dispute letter. Setyembre 29, nang nag fill-out ng form at matapos ang dalawang araw, Oktubre 1 nag-email na ang fraud management ng bangko.

Aniya, "May result na kaagad! Hindi daw nila ibabalik pera namin! Parang copy paste lang ang letter na ipinadala sa amin! Ang bilis nila mag imbestiga at hindi namin naramdaman ang sincerety ng banco na ito! Pangalan pa lang ni Hazel sa letter ay MALI PA ANG SPELLING!"

Ibinahagi ni Antaran na hindi sila kombinsido sa naging imbestigasyon.

Naging malungkot ang paghahanda ng couple sa kanilang kasal at labis ang kanilang panghihinayang sa 100k na nawala sa kanila.

"Nagtiwala kami sa banko na ito pero MENTAL TORTURE, STRESS at ANXIETY lang pala ang maidudulot nito," malungkot na pagbabahagi ni Antaran.