Hinarang ng mga awtoridad ang mahigit sa₱4.7 milyong puslit na sigarilyo nang tangkain itong ipuslit lulan ng dalawang bangka sa Manalipa Island sa Zamboanga City, nitong Biyernes.

Sa pahayag ni Col. Rexmel Reyes, hepe ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang mamataanang dalawang bangkang may kahina-hinalang karga, dakong 1:00 ng hapon.

Kaagad nilang hinarangang mga dalawang bangka at natuklasang may lulan itong mga sigarilyo na walang papeles.

Sa pag-iimbentaryo ng mga awtoridad, aabot sa₱4,795,000 ang kabuuang halaga ng nasamsam na kahun-kahong mga sigarilyo.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Inaresto rin ng mga awtoridad ang pitong tripulante na sina SublaimanKahalHali, 22; Nurhusin Nadduha Habi, 28;AbdilsaAllus Ottok, 22; Nasri Habi Kayeh, 27; at Saniboy Kahal Habi, 17, pawnag taga-Lantawan, Basilan;Minajar Alaji Nawadi, 34; Kennedy Aliuddin Nawadi, 41; at, Epik Nawadi Alli, pawang taga-Brgy. Talun-Talon ng nabanggit na lungsod.

Nasa kustodiya muna ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda na ang kaso laban sa mga ito.

PNA