Aabot sa ₱3,757,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat sa magkahiwalay na anti-drug operations na ikinaaresto ng anim na umano'y drug pusher sa Muntinlupa City at Pateros nitong Oktubre 7.

Sa ulat ng National Capital Regional Police Office ( NCRPO), ang unang operasyon ay isinagawa sa Daang Hari, Ayala Alabang na ikinaaresto nina Bobby Cbak Cabance at Jesus Borja Cruz, dakong 3:02 ng hapon.

Nakumpiska kina Cabanse at Cruz ang 500 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon; P1,000 buy-bust money; cellular phone at kotseng ginamit ng mga ito.

Dakong 4:30 ng hapon, nadakip naman sina Marvin De Guzman, alyas Marvin at Mark De Guzman, alyas Macmac;  Renato Tabera, alyas Kenneth, at Renaldo Reyes, alyas Padong sa No. 1156 P Rosales St., Brgy. Sta Ana sa Pateros.

Narekober sa apat ang 52.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱357,000; P500 buy-bust money; at drug paraphernalias.

Metro

MMDA, may show cause order kay Gabriel Go dahil sa sinitang teacher

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa anim na suspek.

Bella Gamotea