Nanawagan si National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na huwag haluan ng pulitika ang programang pagbabakuna ng gobyerno, lalo na kapag nagsimula na ang pangangampanya para sa 2022 national elections.

Katwiran ni Galvez, dapat magkaisa ang mga pulitiko sa pamamahagi ng mga bakuna dahil isa lang naman ang kanilang layunin na mapadali ang pagbabakuna sa bansa.

"I enjoin all the governors and the mayors to unite.Huwag muna silang magkaroon ng tinatawag(Get rid of) political inclination and do not use this vaccination as a political weapon," pagdadahilan ni Galvez matapos nilang salubungin angpagdating ng 2,793,240 doses ng Moderna at AstraZeneca vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Parañaque City.

Aniya, dapat mapalawak ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mgalocal government units (LGUs)."They have to work as one and to vaccinate as one," paliwanag ni Galvez.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Tiniyak din nito na magkakaroon ng patas na pamamahagi ng bakuna sa buong bansa.

"Para mawala na ‘yung tinatawag natin napolitical color, equitablena angdistributionnatin hanggangmunicipality levels," paniniyak nito.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 84,212,309 doses ang suplay na bakuna ng bansa, ayon pa sa NTF.

PNA