Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula 11:00 ng gabi nitong Biyernes, Oktubre 8 hanggang Oktubre 11.

Sa traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasaayos ng DPWH ang España Boulevard (magmula sa Extramadura St. hanggang M. Dela Fuente St.); C.P. Garcia Ave. pagkatapos ng Magiting St. (3rd lane mula sa sidewalk) bago Krus na Ligas (2nd lane buhat sa  sidewalk); at EDSA-Tramo Flyover Aurora Blvd. (Tramo Off-Ramp) naman sa Pasay City.

Bubuksan sa mga motorista ang lahat ng apektadong kalsada sa Lunes, Oktubre 11 ng 5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon.

Metro

MPD, naitala mas mababang crime rate sa 2025 kumpara noong 2024

Bella Gamotea