Isasapubliko ng gobyerno ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kontrobersyal na madugong drug war ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa panawagan ngUnited Nations (UN) Human Rights Commission sa pamahalaan na ilantad ang imbestigasyon upang masubaybayan ng publiko ang kaso.

Sa isang pulong balitaan online ntong Biyernes, Oktubre 8, tiniyak ni Roque sa publiko na walang itinatago ang gobyerno kaugnay ng nasabing kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

“Wala pong itinatago'yung imbestigasyonng DOJ dahil kapag natapos po ang imbestigasyon at kinakailangang magsampa ngkaso isasapubliko po lahat niyan. Lahat ngsinasampangrecords sa ating hukuman ay public documents," paglalahad ni Roque.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Kaugnay nito, sinuportahan din nito ang naging pahayag niInternational Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan na lalabas din ang katotohanan sa imbestigasyon ng ICC sa usapin.

Gayunman, nahihirapan pa rin ang hukuman na tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga pamamaslang na may kaugnayan sa iligal na droga.

“Sana po, pero without the cooperation of the state, mahihirapan po sila to uncover the truth,” paniniyak pa ni Roque.