Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Kiko” sa probinsya ng Batanes.
Ilang linggo matapos ang paghagupit ng Bagyong “Kiko,” patuloy pa rin ang humanitarian response ng PRC Batanes Chapter nitong Oktubre 7, Huwebes sa 27 pamilya sa Brgy. San Joaquin sa Basco, Batanes.
Kabilang ang mga pamilyang ito sa kritikal na kategorya o nawasak angkanilang kabahayan.
Namahagi ng PRC ng dalawang pirasong tarpaulins na magsisilbing temporary shelter, dalawang jerry cans na may water tablets at isang set ng shelter tool kits para kumpunihan ang mga nasawang na kabahayan.
Kalakip sa bawat tool kit ang detalyadong manual o gabay para matulungan ang mga apektadong pamilya na maitayo mga pinadapang tahanan.
“The support in Batanes does not stop here,”sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Dick Gordon.
Sinabi rin ni Gordon na inatasan na rin niya ang PRC Batanes upang patuloy na i-validate ang mga apektadong barangay mabigyan pa rin ng relief goods.
Katuwang ng PRC ang American Red Cross sa patuloy nitong pagtulong sa probinsya ng Bataan.
Merlina Hernando-Malipot