Aabot na sa 5,575,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang nai-deliver na sa Pilipinas mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility sa unang linggo ng Oktubre.
Dumating sa bansa ang bakuna sa limang magkakahiwalay na shipment sa Manila, Cebu at Davao mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 6. ayon sa
Ito ang bahagi ng 500 milyong doses ng Pfizer vaccine na inilaan ng Estados Unidos para sa patas na pandaigdigang distribusyon sa pamamagitan Covax facility.
Sa pamamagitan ng tulong ng Estados Unidos na pinakamalaking donor sa COVAX facility, mahigit 21.6 na milyong doses ng bakuna ang naidiliber sa Pilipinas, kabilang ang 8.8 milyong doses na donasyon ng mga Amerikano.
Beth Camia