Pinapayagan na ng pandemic task force ang pagbiyahe ng mga indibidwal mula sa National Capital Region (NCR) patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GC) at modified GCQ (MGCQ).

Sa inalabas na Resolution No. 142 NG Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang sumusunod na indibidwal mula NCR ay sakop ng bagong travel protocol:

--Labas sa age group 18-65

--Bakunadong indibidwal na may health risks (2 doss)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

--Bakunadong buntis (2 doses)

Gayunpaman, mananatiling subject to guidelines at health protocols pa rin ang pagbiyahe na maaaring hingin ng Department of Tourism (DOT) at mga destinasyong lokal na pamahalaan.

Kasalukuyang nasa pilot implementation ng bagong Alert Levels Systems ang Metro Manila kung saan nasa Alert Level 4 ang rehiyon.

Close contact protocols

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang bagong protocols para sa mga bakunadong indibidwal na close contacts ng probable, suspek o kumpirmadong positibo sa COVID -19.

Ang mga fully vaccinated na indibidwal na may nakasalamuhang positibo ay sasailalim na lang ng 7 araw na quarantine basta’t asymptomatic ito sa loob ng nasabing panahon.

Ang unang araw ay ang petsa matapos ang kanilang huling exposure.

Sakaling kailangan ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test, dapat hindi ito lalagpas ng ikalimang araw matapos ang exposure.

Kung positibo ang resulta o asymptomatic ang indibidwal, kailangan nilang sumunod sa mga testing at isolation protocols.

Hindi na rin kailangan sumailalim sa testing at quarantine ang mga close constacts na natukoy higit 7 araw na mula ng exposure ito at nanatiling asymptomatic.

Mag-a-apply naman ang14-day quarantine sa mga hindi bakunadong indibidwal na nakasalamuha ng probable, suspect o COVID-19 patients.

Argyll Cyrus Geducos