Isang organisasyon ng mga abogado ang nagpahayag ng suporta sa United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) kaugnay ng pagsasapubliko ng pamahalaan sa resulta ng muling pag-iimbestiga sa mga kaso kaugnay ng mga nasawi sa operasyon ng ilegal na droga.

We subscribe to the need to publish the findings of the rather belated ‘investigations’ by the Philippine government on the paltry cases related to the ‘drug war’ so it can be ‘evaluated’ and to ensure transparency,”sabi ni National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) President Edre U. Olalia.

Nitong Huwebes, Oktubre 7, hinikayat ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang publikasyon sa resulta ng imbestigasyon ng mga nasawi sa drug war upang sumailalim sa ebalwasyon.

“We encourage the involvement of the national Human Rights Commission and other relevant actors, including sharing information on cases under investigation, to ensure an effective and victim-centered processes,” dagdag ni Bachelet.

National

Mga nabiktima ng paputok sa bansa, tumaas ng 35% nitong 2024 – DOH

Habang kinilala ni Olalia ang ilang hakbang ng gobyerno sa usapin, pinunto nitong ang pangangailangan ng “institutional and policy changes.”

Naisumite na ng Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Duterte ang rebyu ng nasa 52 kaso ng mga nasawing indibidwal na sangkot sa ilegal na operasyon ng droga.

Kalaunang idinulog ang mga kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang diskusyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at DOJ.

Kasunod na napagpasyahan ng DOJ, sa pamamagitan ng NBI, at ng PNP ang pagkakaroon ng guidelines sa conduct of invetigations kaugnay ng mga kaso.

Ani Olalia sa panawagan ng UNHCR, ang tanggapan ni Bachelet ay nanatiling “deeply concerned that red-tagging which publicly discredits civil society continues and puts the targets at ‘huge risk’ including human rights defenders, environmental advocates and lawyers.”

Dagdag ni Olalia: “she virtually rebuffed the government when she said that the ICC (International Criminal Court) developments give a sharp focus on the ability and willingness of domestic remedies.”

Matatandaang nagbigay ng “go signal” ang ICC sa paggulong ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y patayan sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

“The subtext is apparent: the domestic remedies remain unable, unwilling and even ineffective to bring impartial, concrete and measurable justice to the victims,” ani Olalia.

Jeffrey Damicog