Isang espesyal na housewarming gift ang ibinahagi ni Kelvin Lim para sa fiancée nitong si Keithleen Ong sa Facebook Community group na “Home Buddies.”

Matapos i-post nitong Linggo, Oktubre 3, umani na ng nasa 34,000 reactions ang post na nagpa-“Sanaol” sa netizens.

Isang malaking mosaic portrait kasi na hango sa unang selfie ng magkasintahan ang nabuo mula sa halos isanlibong rubik’s cube na matiyagang sinakto sa kulay, detalye na pinagsama-sama sa isang malaking panel frame.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Larawan mula kay Kelvin Lim

Larawan mula kay Kelvin Lim

Sa panayam ng Balita Online sa artist na si Lim, baguhan lang daw siya sa pabuo ng rubik's cube. Sa katunayan, nitong 2020, kasagsagan ng quarantine niya lang nahiligang mag-solve ng komplikadong rubik's cube.

"I work for our family business kasi. Then most of the time I go to our customers. But since pandemic, almost all meetings are done na online. So ang dami ko lang idle time in between meetings. I started doing rubik’s cube to keep my mind 'thinking,'" pagbabahagi ni Lim.

Nag-umpisang pampalipas ng oras, ang interes ni Lim sa rubik's cube ay kalauna'y nagsilbing "mental exercise" sa gitna ng pandemya.

"Just to stay sharp, parang mental exercise ba. Then dun na ako nag ka idea about doing images sa rubik's cube. After I solved my first cube dun ko na naisip parang whats next na," paglalahad ni Lim.

Ibinahagi ni Lim na umabot sa 900 sets ng 3-D combination puzzle rubik's cube ang kinailangan para mabuo ang malaking imahe. Sa pagitan ng kanyang libreng oras sa mga miting, natapos ni Lim ang komplikadong imahe sa loob lang ng pitong araw.

Larawan mula kay Kelvin Lim

"May work parin ako that week na ginawa ko 'yan. So almost all of my non-working hours I dedicated to that mosaic," ani Lim.

"Hinahabol ko kasi bago pumunta yung fiancé ko sa house," dagdag niya.

Alay ni Lim ang mosaic sa kanyang tatlong taong kasintahan at ngayo'y finance na si Keithleen Ong.

"We started dating [in] April 2018. Then naging kami on October 10, 2018. Na-engage kami ng October 10, 2020. Ikakasal kami [on] October 10 2021," partikular na pagdedetalye ni Lim.

"Medyo particular ako sa numbers. Maybe that's why rubik's cube works for me," ani Lim.

Inulan naman ng nasa 1,800 comments ang naturang post na kadalasa'y pahayag ng pagbati at paghanga kay Lim ng mga netizens..

“Wow! You've done a very tedious but amazing job,”komento ng isang netizen.

“Work of art and love indeed,” segunda ng isa pang miyembre ng online community.

“This is what we call effort and love,” sabi ng isa pang netizen.

“Now that's true love.”

"Wow, that's a lot! Plus the effort in putting everything together Congratulations to you both! Always stay happy and in love!"

Samantala, nakatakdang ikasal sina Lim at Ong sa darating na Linggo, Oktubre 10.

Ilang indibidwal naman ang lumapit kay Lim para magpagawa ng parehong obra.

"I'm starting the conceptualization na actually of my next projects. After getting married I'll work on those na," sabi ni Lim.

"May mga nag-papagawa na," dagdag niya.