Pormal nang naghain ng kanilang kandidatura para sa May 2022 elections ang mga senatorial aspirants na kadikit ng Duterte administration.

Naghain ng certificate of candidacy si Department of Information and Communications Technology (DICT) Gregorio Honasan II sa Sofitel Manila sa Pasay City ngayong Biyernes, Oktubre 8.

DICT Secretary Gregorio Honasan II (Comelec photo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang dating military officer ay naglingkod bilang senador simula 1995 hanggang 2004, at mula 2007 hanggang 2019. Tatakbo si Honasan bilang independent.

Tumakbo siya sa pagka-bise presidente noong 2016, running mate ni Jejomar Binay, gayunman, natalo ito kay Leni Robredo.

Bago pumasok sa mundo ng politika, naglingkod si Honasan bilang colonel at aide-de-camp ng dating defense minister na si Juan Ponce Enrile sa kasasagsagan ng diktadurya ni Ferdinand Marcos, at pinangunahan ang coup attempts laban kay dating Pangulong Corazon Aquino.

Kabilang din sa mga naghain ng COC bilang senador ay sina Ivermectin advocate at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, maging ang aktor at staunch Duterte supporter na si Robin Padilla.

Si Marcoleta ang nagsusulong sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin laban sa COVID-19. Siya rin ang nanguna sa distribusyon ng kontrobersyal na gamot sa ilang residente sa Quezon City.

Representative Rodante Marcoleta (Comelec photo).

Binibigyang-diin ng Department of Health (DOH) na walang matibay na ebidensya upang suportahan kung ligtas at epektibo ang gamot na ito para sa paggamot ng mga pasyenteng may COVID-19.

Siya rin ang isa mga opisyal na tumututol sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Sa kaugnay na balita, si Padilla, kilala bilang "Bad Boy" si Robin Padilla sa pelikula at telebisyon, ay isang avid supporter ng Duterte administration. Tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Robin Padilla (Comelec photo)

Naghain rin ng kanilang COC sina Presidential chief legal counsel Secretary Salvador Panelo, Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica.

Sinamahan ni Pangulong Duterte ang mga senatorial aspirants at isa isa niyang itinaas ang mga kamay ng mga ito upang ipakita ang kanyang suporta.

Kasama ni Pangulong Duterte sina Senador at vice presidential aspirant Christopher "Bong" Go, at dating DPWH secretary at senatorial aspirant Mark Villar.

Jhon Aldrin Casinas