Naghain ng certificate of candidacy (COC) si incumbent Marikina City Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro para sa re-election sa darating ng 2022 election.

Naghain si Teodoro ng kanyang COC sa Comelec Marikina kaninang alas-9 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 8 para sa kanyang ikatlong termino.

Sa kasagsagan ng pandemya, sa pamumuno ni Teodoro, nakapagtayo ang local government unit ng Marikina Molecular Diagnostic Laboratory bilang testing facility para COVID-19 na naging sanhi upang maging kauna-unahang lungsod ang Marikina na nakapagsagawa ng mass testing sa mga residente nito.

Ang kanyang pamamahala ang itinuturing na dahilan kung bakit ang Marikina ang may pinakamabilis na pagbaba ng kaso COVID-19 sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinuri ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año si Teodoro dahil sa mga "proactive efforts" nito sa implementasyon ng mahigpit na quarantine at health protocols sa lungsod.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Mayor Marcy Teodoro sa pagiging kaakibat ng DILG at mga ahensiya nito sa pagpapalawig at pagpapalakas ng mga programa ng pambansang pamahalaan," ani Año.

Pinasa rin ng alkalde ang  Anti-Discrimination Ordinance or City Ordinance No. 065 noong 2019.

“Bilang pagpapakita ng aming suporta, sa araw na ito ay aking pipirmahan at ipapatupad ang Anti-Discrimination Ordinance na nagbibigay sa lahat ng pantay at parehong karapatan sa trabaho, edukasyon, tirahan, at mga serbisyo ng pamahalaan," aniya.