Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente si Senador Francis "Kiko" Pangilinan, na kasalukuyang presidente ng Liberal Party (LP), ngayong Biyernes, Oktubre 8 sa Sofitel Harbor Garden Tents sa Pasay City.

Sinamahan siya ni Vice President Leni Robredo, kanyang running mate, na naghain ng kanyang COC sa pagkapresidente nitong Huwebes, Oktubre 7.

Photo: Ali Vicoy/MB

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tatakbo si Pangilinan sa ilalim ng Liberal Party, habang idineklara naman ni Robredo na siya ay independent candidate.

Matapos maghain ng COC, hindi na nagbigay ng talumpati ang vice presidential aspirant.

Noong Miyerkules, Oktubre 6, na-postpone ang paghahain ng COC ni Pangilinan sa pagka-senador matapos niyang malaman na iaanunsyo ni Robredo ang kanyang desisyon sa politika noong Huwebes.

Matatandaan na noong Setyembre 30, inanunsyo ni Pangilinan sa kanyang official Facebook page na tatakbo muli siya bilang senador.

Kasalukuyang nasa ikatlong termino bilang senador si Pangilinan. Nahalal siya noong 2021 at nare-elect noong 2007.