TACLOBAN CITY-- Isa si Singer/host Karla Estrada sa mga show business personalities ang sasabak sa politika sa susunod na taon.

Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang third nominee ng Tingog partylist nitong Biyernes, Oktubre 8.

“Hindi ito naging madaling desisyon para sa akin at para sa aking pamilya. Pero dahil nandyan kayo at ang buong Tingog Party List, panatag po ako na kakayanin ko,” ayon kay Estrada.

Tubong Tacloban City si Estrada at siya ang ina ni Daniel Padilla ng sikat na loveteam na KathNiel.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Una na niyang ipinahiwatig ang tungkol sa kanyang bagong plano nang magpost siya ng larawan habang nagbubukas ng pinto at may caption na "May bago akong tahanan."

Inendorso ni Karala ang Tingog noong 2019 na kung saan nanalo ito ng isang puwesto sa House of Representatives.

Ang first nominee ng Tingog ay si Rep. Yedda Romualdez, ang asawa ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, at ang second nominee naman at si JCI national president Jude Acidre.

Marie Tonette Marticio