Ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa kanyang Palace bid bilang independent candidate ay paraan para ihayag na bukas siya sa pakikipag-alyansa sa ibang partido sa Halalan 2022.

Nagbigay ng paliwanag si Robredo nitong Biyernes, Oktubre 8 nang tanungin sa kanyang press conference sa Quezon City Reception House kung bakit hindi siya tumakbo sa ilalim ng Liberal Party (LP) kung saan siya ang kasalukuyang chairman.

“Hindi naman ako nag-resign from the Liberal Party. Pero running for independent is our symbolic way of showing na bukas kami sa pagkikipag-alyansa sa maraming mga partido,” paliwanag ni Robredo.

“Yung aming sinusulong na inclusivity, yung sinimulan namin na pag-uusap kahit hindi bahagi ng partido,” dagdag ni Robredo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Yung pagkakandidato naman sa pagka-pangulo ay hindi para sa partido pero para sa nagkaka-isang lakas ng sambayanan,” sabi ni Robredo.

Naganap ang press conference ilang oras lang matapos samahan ni Robredo si LP president na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa paghahain nito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise-presidente.

Ani Pangilinan, suportado pa rin ng LP hanggang Palasyo si Robredo sa kabila ng pagtakbo nito bilang independent candidate.

“We already passed a resolution in our national executive council that our candidate for president is Vice President Leni. So that is already set. And therefore the party will mobilize behind her,” sabi ni Pangilinan.

Nitong Biyernes ang huling araw ng paghahain ng COC para sa Halalan 2022.

Elson Quismorio