Naghahangad ng political comeback si dating bise presidente Noli de Castro sa May 2022 elections.

Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador sa Sofitel Tent sa Pasay City ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 8.

“Iba ang paglilingkod kung ikaw ay nasa senado. Kapag ikaw ay gumagawa ng mga batas," aniya.

Sinabi rin ni de Castro na nais niyang ibalik ang prangkisa ng kanyang home network na ABS-CBN.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ngunit sinabi niya na nasa Kongreso kung maghahain ng panukala para sa bagong prangkisa ng broadcast giant.

Nahalal si de Castro bilang senador noong 2001 ngunit hindi niya natapos ang termino matapos manalo bilang bise presidente makalipas ang tatlong taon.

Tatakbo siya sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party niManila Mayor Isko Moreno.

Nakilala siya bilang "Kabayan" nang bumalik siya sa pagiging broadcaster noong 2010 noong matapos ang kanyang termino.

Jhon Casinas