Papayagan nang bumiyahe ang mga indibidwal na fully vaccinated mula sa Metro Manila sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ang tugon ng DOT kasunod ng bagong guidelines na nilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases nitong Biyernes, Oktubre 8, kung saan pinapayagan na ang interzonal travel sa mga bata at mga bakunadong senior citizens sa mga lugar na nasa Alert Level 4.

Maari nang makabiyahe sa ilalim ng point-to-point basis ang mga bata edad 17 pababa at edad 65 pataas sa mga GCQ at MGCQ na lugar basta’t nakatanggap na ang mga ito ng dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Kinilala ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang nasabing pagbabago. Matatandaang mtagal nang isisusulong ng kagawaran ang pagbubukas ng lokal na turismo sa bansa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Further easing of travel restrictions will allow more of our fully vaccinated individuals to enjoy interzonal travel, especially families who wish to travel together. Traveling is a way of bonding, and with all the precautions and protocols in place, we can still do it safely together,” ani Puyat.

“More importantly, this will encourage more Filipinos to secure their jabs as well. As restrictions are lifted, more tourism workers and stakeholders will get back the jobs and livelihoods they lost due to the pandemic,”dagdag nito.

Maliban sa mga bata at seniors, papayagan na rin ng ITF na makabiyahe ang mga may comorbidity at buntis sa kondisyong bakunado ang mga ito.

Nakatakdang maglabas ng guidelines para sa point-to-point travel ang DOT para masiguro ang kaligtasan at pagsunod pa rin sa health protocols sa mga destinasyon.

Dagdag ni Puyat, ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests ay depende lang sa mga lokal na pamahalaan.

Hinikayat naman ng DOT ang mga biyahero mula sa Metro Manila na mag-avail sa 50 percent subsidy ng RT-PCR tests sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa kanilang website.

Alexandria Dennise San Juan