Kakandidatomulisa pagka-senador si Senator Leila de Lima.

Ito ay matapos maghain ng certificate of candidacy ang senador sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Dino de Leon sa Sofitel Hotel sa Pasay City, nitong Biyernes, Oktubre 8.

Kasama ang ilang taga-suporta ni De Lima, isinumite ni de leon ang kandidatura ng senador sa nasabing hotel na itinalagang filing venue ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga kakandidato sa 2022 national elections.

Kabilang ang senador sa line up ni Vice President Leni Robredo na kakandidato naman sa pagka-pangulo.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Nakakulong pa rin sa De Lima sa Philippine National Police-Custodial Center mula nang maaresto sa kinakaharap na drug cases sa Muntinlupa Regional Trial Court noong Pebrero 2017.

Leonel Abasola