Naghahangad ng pagbabalik sa Senado si dating Senador Antonio Trillanes IV nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) sa Sofitel Tent sa Pasay City ngayong Biyernes, Oktubre 8.

Tatakbo siya sa ilalim ng ticket ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

“I was never vocal about running for vice president. I articulated that in several interviews that if VP Leni would run for president, I would run for senator. Iyon po ang desisyon ng aming grupo," aniya.

Matatandaang sinabi ni Trillanes sa kanyang mga nakaraang panayam na tatakbo siya bilang presidente kung sakaling hindi makapagdesisyon si Robredo sa kanyang politikal na plano para sa 2022.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagsilbi siya ng dalawang termino bilang senador, siya ang author ng revised AFP Modernization Law, Anti-bullying Law, at Expanded Anti-trafficking in Persons Act.