Nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones nitong Huwebes, Oktubre 7 na hindi mandatory ang pakikiisa ng mga estudyante sa pilot study ng limited face-to-face classes na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.

“Ang isa sa mga requirements natin sa Shared Responsibility ay may permission ang mga parents, papayag sila na yung kanilang mga anak ay sasali kasi ito ay pilot, walang sapilitan kasi patuloy pa rin ang ating blended learning,” sabi ni Briones sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pagbibigay-diin pa ni Briones, boluntaryo ang pag-aaral at kinakailangan ng permiso ng mga mgaulang bago maging bahagi ng limited in-person classes ang mga bata sa mga napiling eskwelahan.

Pagkakaroon ng contingency plans

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Para mabawasan ang pangamba ng magulang ng mga bata na makikiisa sa pilot run, pinunto ni Briones na ni-require ang mga napiling eskwelahan na magkaroon ng contingency plans sakaling may magpositibong estudyante o guro sa coronavirus disease (COVID-19).

“Lahat ng schools, nire-require natin na gumawa ng contingency plan, step-by-step, kung ano gagawin nila kung magkaroon ng ganoong klaseng danger,” sabi ng kalihim.

Nakatakdang magsimula ang limited in-person classes sa Nobyembre 15.

Sa pag-uulat, nasa 59 sa target na 120 na ang nabigyan ng permiso na magpatupad ng limitadong klase.

Mananatili namang may pagpipilian na alternative learning delivery ang mga magulang kung tumanggi silang maging kabahagi sa pisikal na klase ang kanilang mga anak.

Babantayan din ang oras na gugugulin ng mga bata sa eskwelahan, ani Briones.

Dagdag niya, ilalakip ang distance o blended learning sa in-person sessions sa habang hindi rin maaaring pumasok nang regular ang mga bata araw-araw.

Base sa binuong joint memorandum circular na ginawa ng DepEd at Department of Health (DOH), kinakailangang may nakaantabay na Help Desk o COVID-19 Hotline ang mga napiling eskwelahan kung saan konektado ito sa mga lokal na pamahalaan, ospital o testing facilities.

Dapat ding magkaroon ng “contingency plan for closing and reopening” sa posibleng muling pagtaas ng inpeksyon ng COVID-19

Merlina Hernando-Malipot