AFGHANISTAN - Aabot sa 55 katao ang naiulat na nasawi nang lusubin ng isang suicide bomber ang isang mosque Kunduz City sa nasabing bansa, nitong Biyernes.

Sa pahayag ng isang medical source sa Kunduz Provincial Hospital, nasa 35 na patay ang dinala sa naturang ospital at mahigit sa 55 ang nasugatan. Kinumpirma naman ng Doctors Without Borders hospital na 20 na patay ang ipinasok sa kanilang pagamutan.

Kinumpirma naman niMatiullah Rohani, director ng culture and information sa Kunduz para sa panig ng Taliban government, isang suicide attack ang insidente na ikinasugat din ng 143 katao

Nauna nang inihayag ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid, ang pagsabog ay naganap sa isang mosque at itinaonsa pagdagsa ng mga nagsisimba.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Noong Oktubre 2017, umabot din sa 56 ang namatay nang sumugod ang isang suicide bomber sa isang mosque.

AFP