Pinaunlakan ni dating Senador Antonio Trillanes IV, isa sa mga supporters ni Robredo, ang desisyon ng bise presidente sa pagsali nito sa presidential race sa 2022.
“Nagbubunyi ang Magdalo sa desisyon ni VP Leni Robredo na pamunuan ang tunay na oposisyon sa 2022 elections sa pagtakbo bilang Presidente," ani Trillanes sa Facebook post.
“Makakasama niya ang Magdalo para maipanalo ang laban na ‘to, at tuluyang iahon ang ating bansa mula sa pagkasirang ginawa ni Duterte," dagdag pa niya.
Ginamit ng dating Senador ang hashtag na #LabanLeni2022, na nagtrending sa Twitter kabilang ang #DapatsiLeni at #LeniRobredo22 nitong Huwebes ng umaga.
Pinaniniwalaan na tatakbong muli si Trillanes bilang senador matapos ang pag-aanunsyo ni Robredo ng kanyang presidential bid. Bali-balita ring maghahain siya ng COC sa Biyernes, Oktubre 8.
Raymund Antonio