Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa mga hepe ng pulisya sa bansa na paigtingin ang kanilang seguridad laban sa karahasang may kinalaman sa idaraos na halalan sa susunod na taon.
Layunin aniya nito na mapaghandaan ang inaasahang mainit na labanan sa pulitika ng mga kandidato sa city at municipality level.
“Ngayong nagkakaroon na ng linaw kung sinu-sino ang maglalaban-laban lalo na sa mga local elective position, inaasahan na natin ang mainitang political rivalries na posibleng mauwi sa karahasan kaya inatasan ko na ang ating mga unit commanders na umpisahan na ang paghahanda upang tiyaking walang kaguluhang mangyayari sa kani-kanilang area of responsibility," ayon kay Eleazar.
Sa datos ng PNP, halos lahat ng naganap na insidente ng karahasan sa mga nakalipas na halalan ay may kaugnayan sa mainitang labanan sa puwesto ng mga kandidato sa local level. Kabilang aniya ang mga supporters ng mga ito ay may kinalaman sa karahasan.
“I also ordered our Intelligence Group to start the monitoring and background check on all the candidates who have the history, the potential and the means to sow violence as part of our aggressive efforts to ensure the honest and peaceful elections next year.We assure our kababayan that their Philippine National Police will do everything in its power to ensure that this entire democratic process will be protected,” paliwanag pa nito.
Aaron Recuenco