Puwede nang magrenew ng sasakyan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa darating na Sabado, Oktubre 9.

Inihayag ni Jason Salvador, pinuno ng Corporate Affairs ng PITX, magkakaroon muli ng Motor Vehicle Registration Renewal, Smoke Emission Testing, at Third Party Insurance (TPL) sa isasagawang Land Transportation Office (LTO) on Wheels.

Bukas din ito sa walk-in renewal applications simula 8:00 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, sa PITX Gate 4, sa ikalawang palapag.

Pinag-uusapan ng LTO at PITX ang pagtatayo ng LTO Licensing Center sa landport ng PITX.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We Have been receiving inquiries about license application and renewal since LTO on Wheels returned to PITX this year. We discussed the possibility of establishing a licensing site at PITX with LTO, and we both agreed that it is something we can carry out through our partnership,” ani Salvador.

Naghahanap na sila ng pagpupuwestuhan ng Licensing Center sa loob ng PITX.

Sakaling operational na ito, maaari nang magparehistro ang baguhang aplikante sa pagpaparehistro bukod sa renewal registration services na isinasagawa ng LTO on Wheels.

Bella Gamotea