Hinikayat ng Department of Health (DOH) - CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mga residente sa rehiyon na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang magkaroon ng tiyansang lumahok sa “Resbakuna: Bakunado, Panalo” promo at magkaroon ng pagkakataong maging instant milyonaryo.

Nabatid na ang promong ito ay nagkakaloob sa mga vaccinated individuals sa buong bansa ng pagkakataon na magwagi ng cash prizes mula P5,000 hanggang P1 milyong grand prize.

“This is to encourage everyone to enlist and have their Covid-19 vaccine for them to have additional protection against the virus. This cash prize will also serve as an incentive for winners for getting vaccinated and doing their fair share in preventing the spread of the virus in the community and putting a stop to the pandemic,” ayon pa kay Regional Director Eduardo C. Janairo.

Sa ilalim aniya ng "Resbakuna: Bakunado, Panalo” promo ng DOH, pipili ng 50 winners para sa mga buwan ng Oktubre at 50 naman para sa buwan ng Nobyembre na magwawagi ng P5,000 cash prize.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Para sa buwan naman ng Disyembre, 12 winners ang pipiliin, kabilang dito ang 10 third prize na magwawagi ng P100,000; isa ang magwawagi ng second prize na P500,000 habang isa naman ang tatanghaling grand prize winner at makakapag-uwi ng P1 milyon.

Ang mga indibidwal na partially vaccinated ay makakakuha ng isang raffle coupon habang ang mga fully vaccinated ay magkakaroon ng tatlong raffle coupon.

Ang mga senior citizens naman na bakunado na ay entitled sa dobleng bilang ng entries, na nangangangahulugang ang mga partially vaccinated seniors ay mayroong dalawang raffle entries habang ang fully vaccinated seniors naman ay tatanggap ng anim na raffle entries.

Ani Janairo, ang promo ay sponsored ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), katuwang ang Philippine Disaster Resilience Foundation at DOH.

Madali lamang umano ang pagsali sa promo, dahil kinakailangan lamang na i-text ang RESBAKUNAREG pangalan/edad/address at ipadala sa 8933.

Matapos ito, iti-text ang RESBAKUNA unang letra ng natanggap na vaccine brand/numero ng doses na natanggap na/local government unit/petsa ng pagbabakuna at isi-send sa 8933.

Kinakailangan ding maghintay ng text upang malamang kung napili bilang winner.

Sa mga interesadong lumahok sa promo, maaari umanong bisitahin angdoh.gov.ph/vaccinespara sa iba pang detalye at katanungan.

Mary Ann Santiago