Nagpaalam na si veteran broadcaster Noli de Castro nitong Huwebes sa pamunuan ng ABS-CBN upang bigyang-daan ang pagtakbo nito sa Senado sa 2022 national elections.

“Maraming-maraming salamat po, ipagdasal n'yo na lang po ako. Mag-ingat pa rin sa banta ng COVID-19. Maraming-maraming salamat po sa pakikinig sa akin sa nakalipas na napakaraming taon sa radyo at sa telebisyon," pahayag ni De Castro sa pang-umagang programa nitong "Kabayan."

Noong 2001, nahalal si De Castro bilang senador, gayunman, hindi na niya natapos ang anim na taong termino nang manalong bise presidente matapos ang tatlong taon.

Inaasahang manunumpa na si De Castro bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko party na pinamumunuan ni Isko Moreno.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Gabriela Baron