Dudulog na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema kaugnay ng kautusan nito na huwag padaluhin sa pagdinig ng Senado ang mga miyembro ng Gabinete nito dahil ipinapahiya lamang umano sila ng mga senador na mapang-abuso.

Inihayag ng Pangulo, nais niyang ipakita sa Korte Suprema ang ginagawang pagtrato ng ilang mga senador sa mga resource persons na pinapadalo nito sa pandemic supply investigation.

Sinabi ng Pangulo na matalo o manalo at anuman ang magiging kapasyahan ng Kataas-taasang Hukuman sa usapin ay kanyang tatanggapin gayung ang mahalaga sa kanya ay maipakita sa SC ang pakikitungo ng Mataas na Kapulungan sa mga iniimbitahan nito.

Muli namang nanindigan si Duterte na kailangan niyang protektahan ang executive department mula sa pang-iinsulto ng ilang mga mambabatas.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Mensahe ng Pangulo sa mga senador na hindi kabilang sa “aid of legislation lawmaking power” ng mga ito ang paninigaw ng mga resource person sabay paalala na dapat pairalin ang pagiging sibil ng mga ito sa tuwing may isinasagawang imbestigasyon.

Beth Camia