Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na nasa labas pa ng Pilipinas at posible itong mabuo bilang bagyo.
Sa abiso ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong1,085 kilometro Silangan ng Visayas.
“Inaasahan natin itong papasok sa ating Philippine area of responsibility ngayong araw,” babala ni weather specialist Aldczar Aurelio.
“Ito ay may posibilidad na maging bagyo, at ang susunod na pangalan ng bagyo ay 'Maring'," sabi nito.
Ito na ang ika-13 na bagyo na pumasok sa bansa, ayon pa sa PAGASA.
Ellalyn De Vera-Ruiz