Namaalam na rin bilang news anchor ang isa sa mga 'haligi' ng TV Patrol, ang flagship newscast ng ABS-CBN sa napakahabang panahon, na si Kabayan Noli De Castro, nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021.

Statement of ABS-CBN News on Noli 'Kabayan' De Castro – Manila Bulletin
Kabayan Noli De Castro (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Nauna na siyang nagpaalam sa kaniyang morning program na 'TeleRadyo' dahil sa kaniyang intensyong tumakbo sa halalan 2022 bilang senador, sa ilalim ng tiket ni Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso. Nanumpa na siya sa Aksyon Demoktratiko.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/07/noli-de-castro-tatakbong-senador-nagpaalam-na-sa-teleradyo/">https://balita.net.ph/2021/10/07/noli-de-castro-tatakbong-senador-nagpaalam-na-sa-teleradyo/

Nagpaalam siya sa mga Kapamilya fans na patuloy na sumusubaybay sa kaniya magmula noong bumalik ang operasyon ng ABS-CBN matapos ang EDSA People Power I.

Naging senador siya noong 2001 hanggang 2004 at naging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2004 hanggang 2010.

Matapos ang kaniyang political career ay bumalik siya sa TV Patrol bilang isa sa mga pangunahing news anchor nito. Makalipas ang halos isang dekada, nagdesisyon siyang bumalik sa politika upang mas mapalawak umano ang kaniyang serbisyo-publiko.

Wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs kung sino ang opisyal na papalit kay Kabayan, bagama't naglabas na sila ng opisyal na pahayag hinggil sa desisyon nito.

"Our Kapamilya, Noli 'Kabayan' De Castro has informed ABS-CBN of his plan to run for public office in the coming 2022 national elections.

"In adherence to our company policy, Kabayan will move on from his anchor duties in 'TV Patrol', 'Kabayan', and 'TeleRadyo Balita' once he formally files his certificate of candidacy.

"We thank Kabayan for his decades of service in ABS-CBN News, where he led iconic shows and spearheaded public service efforts while also serving as a mentor to generations of broadcast journalists in the organization."

"'TV Patrol' has endured because of the solid foundation he and the team of ABS-CBN News journalists have built on over the years – a process that will continue as we evolve and thrive during these changing times."

Larawan mula sa FB/ABS-CBN News

Ngayong Oktubre, dalawa na ang umalis at nagpaalam sa TV Patrol. Noong Oktubre 1, pormal na nagpaalam ang kanilang resident weather forecaster at trivia master na si Kuya Kim Atienza, na lumipat naman sa GMA Network. Ang ikalawa nga ay si Kabayan para sa kaniyang pagtakbo bilang senador.