Suot ang kanyang personalized facemask, naghain ng kandidatura si Human rights lawyer Jose Manuel "Chel" Diokno sa pagka-senador ngayong Huwebes, Oktubre 7.

Hangad ni Diokno na bawiin ang kanyang pagkatalo noong 2019 midterm elections na kung saan nakuha niya ang ika-21 na puwesto.

Tatakbo siya sa ilalim ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP).

“Siguro marami sa inyo nakakakilala sa akin dahil sa ngipin… Tuwing pinag-uusapan natin ang mga issue ng bayan pinupuna nila ang ngipin ko. Actually okay lang naman sakin yun, maliit lang naman na bagay ang ngipin, pero hindi ba dapat pag-usapan nila ang malaking bungi at bulok sa sistema natin?," ani Diokno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na magsilbi bilang isang senador, gagawin nating abot-kamay ang hustisya. Palalakasin natin ang mga alternatibo sa paglilitis ng kaso sa korte, palalakasin natin ang arbitration, mediation, at pati ang ating barangay justice system. Sisiguraduhin nating may pananagutan because it is my firm belief that it is the certainty of punishment that stops crime," dagdag pa niya.

Pinamumunuan ni Diokno ang Free Legal Assistance Group, isang organisasyon ng mga human rights lawyers sa Pilipinas. Siya rin ang founding dean ng De La Salle College of Law.