Sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Vicente Danao Jr. ang anim na tauhan ng Pasay City Police, kabilang ang isang police community (PCP) commander kaugnay ng umano'y pagpapalaya sa isang Chinese na nahulihan ng mga bala ng baril sa lungsod, kamakailan.

Kinilala ang mga sinibak na sina Maj. Crisanto Racoma, hepe ng Police Community Precinct; Lt. Noelson Garcera;S/Sgt. JohnvirTagacay; Cpl.JaysonLunas; Cpl. Jerson Bauzon; at Cpl. Christian Cadingan, pawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at huling nakatalaga ang mga ito sa Mall of Asia (MOA) sub-station10 ng Pasay Police.

Ang anim na pulis ay pansamantalang itinalaga sa Admin Holding ng NCRPO habang ang kanilang mga service firearms na kinumpiska ay nasa kustodiya ng Chief Supply ng Pasay City Police.

Ayon sa report, inaresto ng kanilang kabaro ang anim na pulis sa loob mismo ng tanggapan ni City Police Chief, Col. Cesar Paday-os, sa Pasay PNP headquarters, FB Harrison St.,nitong Miyerkules, dakong 12:30 ng hapon sa obstruction of justice o paglabag sa Presidential Decree 1829.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Matatandaang inaresto ng mga ito ang isang Chinese na nagmamaneho ng Ford Mustang na walang driver's license noong Oktubre 2 sa gitna ng ikinasang Oplan Sita ng pulisya.

Sa gitna ng pag-aresto, narekober sa loob ng sasakyan ang ilang bala ng cal .9mm pistol, personal na gamit, tulad ng relo, cellphones, laptop, cash money, at iba pa.

Nag-isyu ng official violation receipt (OVR) ang mga pulis laban sa Chinese driver at pinayagan ang dayuhan na umalis sa lugar kahit hindi naghahain ng kaukulang kaso na paglabag sa Republic Act 10591(Illegal Possession of Ammunitions).

Nang makarating kay Paday-os ang insidente ay agad na ipinaaresto ang mga ito at sinibak na rin sa kani-kanilang puwesto.

Bukod sa kasong kriminal, posiblering maharap sa kasong administratibo ang anim na pulis.

Bella Gamotea