Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si dating Bise Presidente Jejomar "Jojo" Binay nitong Huwebes, Oktubre 7.

Former Vice President Jejomar Binay (Photo from Comelec)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tatakbo si Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA), isang partidong itinatag niya noong 2016.

Sinabi ng dating bise presidente na tutulungan niya ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya sakaling manalo bilang senador.

“The first priority should be helping the four million Filipinos who lost their jobs, the over three million families who are experiencing hunger, and the thousands of small businesses who had no choice but to close down,” ani Binay.

“We should work to rebuild our economy in a way that puts priority on creating stable jobs. We should reform our healthcare system. And the safety, welfare, and well-being of the people should always be our foremost concern,” dagdag pa niya.

Gabriella Baron