Umaabot pa sa 10,019 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Huwebes.

Batay sa case bulletin #572 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,632,881 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang Oktubre 7, 2021.

Sa naturang bilang, 4.4% pa o 115,328 ang nananatili pang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 77.1% ang may mild symptoms, 13.6% ang asymptomatic, 5.33% ang moderate, 2.7% ang severe at 1.2% ang kritikal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng 7,425 pasyente na gumaling na rin mula sa karamdaman.

Sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 2,478,616 na o 94.1% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH na 109 pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 38,937 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.48% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 55 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, at sa naturang bilang, 35 ang recoveries.

Mayroon rin namang 56 kaso ang unang na-tagged bilang recoveries ngunit malaunan ay natukoy na namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on October 5, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 0.3% of samples tested and 0.4% of positive individuals,” anang DOH.

“The DOH will be reporting additional deaths tomorrow in a separate advisory, to reflect numbers not included in the previous case bulletins due technical issues encountered with COVIDKaya,” anito pa.

Mary Ann Santiago